Photograpiya

Ang pagiging isang OFW ay hindi madali para sa iba. Nandoon na yung malayo sa pamilya, kaibigan at syempre sa alagang aso at pusa, minsan nga pati biik eh (ganito kami sa makati). Maswerte na lang kung kasama mo yung pamilya mo o kaya meron kang kamag anak. Pero minsan dahil na rin sa trabaho minsan na lang din kayo mag usap o magkita. Tulad noong nasa Dubai pa ako, swerte na sa isang buwan kung magkita kami ng kapatid ko, iniisip ko nga na baka takot lang siyang mautangan eh, peace tol!
  
Minsan naman kailangan mo maghanap ng pagkakaabalahan para di ka mainip o ma-homesick. Kaya din kami nahilig mag-asawa sa photography at bukod sa -ano- ito na lang yung pinagkakaabalahan namin dito. Kasama ang mga grupo ng pinoy na mahilig din sa photography. Dito ay madami kang ma-memeet na bagong kaibigan o ka-ibigan at from them madami ka ding matutunan. I-klick lang photoblog ng wife ko at sa akin. At syempre mas magaling wife ko kaysa akin dahil mas masipag siyang magbasa basa. Magaling din naman ako, magaling mangopya, hehehe. Siguro dahil nag sisimula pa lang ako sa photog eh natural lang ang manggaya sa iba tapos from there pwede mo nang kalikutin yung settings, yung parang kulangot lang na kakalikutin mo tapos bibilugin, ayus na!. Last photowalk namin is Street Photography, ang susunod daw mag nature o landscape photography naman kami. Sakay na…

Photograpiya
Ni Eoz

Sa iyo kami ay nahuhumaling
Nais namin maging magaling
Sa pagkuha na aming hiling
Bakit minsan ang hirap kunin?



Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

Christian Quotes

 Christian Quotes

"The word of God is not only meant to be read, to be taught or to be preached, there should be tangible manifestations."

"We have no right to ask the integrity of God. We should understand that what God has done is the best."

"There are so many sound words and wisdom to say, why should we talk on gossips? They will just narrow and diminish the space for truth."

"It is better to keep silent if there is nothing beneficial that will come out of your mouth. A Christian does not just open his mouth."

"God is not in the business of condemning sinners but rather has given them salvation thru our Lord Jesus Christ."

"Whatever happens God will never leave His children is always His children runs away from Him."

"What makes our Father God proud of you, is because you are His child" "God never ceases to bless His children whom He loves."

"Trials are temporary they cannot last wtih God's permanent solution. Rejoice while in fiery trials because everlasting joy is around the corner."
"Open and constant communication maintains and encriches relationship, start talking to God and let God talk to you."

"No amount of stained sin that the blood of Jesus Christ can't washed and cleansed."

"The grace of God makes one righteous if accepted by faith."

"God's grace bypasses our condemnation for our justification."

"Our works does not work under God's grace but faith that seals our fate."

"The grace of God transforms the undeserving sinner to a deserving saint."

"Man may fall short of the glory of God but not His grace which is so sufficient."

"Guard your marriage! Be careful with what you believe!"

"When God gave new things each day, He supplies the necessary grace to do it"

"Relationship with Jesus Christ is not something to be earned its by His grace that is why we have it."

"Christ took our sins, shed His blood on the cross that made us righteous, sanctified, justified, holy and acceptable before God the Father Almighty."

"No amount of stained sin that the blood of Jesus Christ can't washed and cleansed."

"If something is missing in your life, remember that God is the only One who can fully and abundantly satisfy you. Let Him complete the picture of your life."

"Carry a heart that never hates, Carry a smile that never fades, Carry a touch that never hurts, And always carry a relationship that never breaks."

"It when Jesus Christ took our sins, shed His blood on the cross that made us righteous, sanctified, justified, holy and acceptable before God the Father Almighty."

"The reason why God loves you so much because He chose to."

"You are the beloved of God He only sees beauty in you inside out."

"Great Trials cannot overwhelm the Greatest Miracle that GOD can do."

Iba na Ngayon

Dami ko ng na-miss sa Pilipinas, lalo na basketball lalo na kakatapos lang ng liga sa amin. Isa kaya kami sa pamilya na magagaling maglaro ng basketball, lima kaming lalaki na nag MVP na, kaso ako Most Vangko Player. Mahirap man aminin eh sa aming magkakapatid ako lang ang laging nasa bangko. Di bale di ko naman career yun (bitter). Pero ngayon hirap na namin mabuong lima, apat kaming OFW isa sa Dubai, dalawa sa Qatar at ako dito sa Malaysia pero 2 taon din ako sa Dubai, nung recession last year tinapon kaming mag-asawa sa India tapos ngayon dito naman sa KL. Sana lagi kami itapon para libre ang trip namin, hehehe, kaso kakapagod lang, dala namin lagi ang malaking luggage namin na ang laman eh lahat ng gamit-parang naglipat bahay! Balik tayo sa basketball, hirap maghanap ng basketball court dito, hindi tulad sa atin na kada kanto meron. Kailangan mo pang sadyain yung lugar, badtrip kaya yung taba ko eh di maalis alis. Mas malaki pa nga tiyan ko kaysa sa asawa kong buntis.

Iba na talaga ngayon, may mga bagay na di mo na nagagawa dahil sa pangangailangan, oras, responsibilidad at kalagayan natin. Ganun daw talaga tumatanda, oooppss kalabaw lang pala tumatanda!

Last vacation ko, may napansin lang din ako sa place namin, dati paghapon madaming bata sa labas, ngayon parang iilan na lang. Pano puro computer na din ang laro nila, minsan napasyal ako sa court, kung noon di ka makapaglaro sa dami ng nag aabang, ngayon naman parang ang hirap maghanap ng player. Iba na talaga ngayon.

Iba Na Ngayon
ni Eoz

Ang laro ko noon ay ganito
Taguan, habulan, tumbang preso,
Basketbol, holen, o patintero
Habang ang iba ay nagpipiko

Ngayon kabataan ay nasan na?
Bakit di ko sila nakikita?
Yun pala nasa kapitbahay na
Playstation na ang laro nila!

Ang iba naman ay komputeran
Doon naman kanilang puntahan
Para maglaro at magsigawan
Wala naman silang natutunan

Larong Counter Strike o Dota
Friendster, facebook naman sa iba
Kung gusto mo mag-twitter ka pa
Yan na ang bagong teknolohiya

Iba na talaga ngayon!



Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

Welcome to Blogeoz

Hi guys! Welcome to Blogeoz! A journey of being a father. I’m starting a journey that will definitely change my life. I’m a soon to be dad to our first baby and I am quite excited and nervous about it. Marking on her 33rd weeks today, I finally made this blog into reality. I have planned to start these months ago, since I'm too busy in my work and in our preparation for the big day. Finally I start archiving this wonderful stage of being a father. Welcome!!!

Ikatlong Buwan

My wife got pregnant after a year of our marriage. Nakaka-excite! Mahirap sa simula pero alam naming malalampasan din namin ito. Lalo na nasa ibang bansa kami at malayo sa pamilya, buti na lang at high technology na ngayon, Kung may gusto kaming malaman, i-search lang namin. Ayos! Halos lahat ng information pwede mo na mahanap. Excited na kami I pray na lalaki, si misis naman gusto babae. Pero kahit ano naman ok sa amin gusto ko lang lalaki ang panganay. Ngayon 3 months pregnant si misis parang ang bagal ng araw, gusto na naming siyang makita. Sino kaya kamukha?











Ikatlo
Ni Eoz

Ikatlong buwan mo sa sinapupunan
Sa tiyan ng inang ikaw ang tangan
Hinihintay ang iyong kapanganakan
Sabik na ikaw ay makita’t mahagkan

Anim na buwan na lamang hihintayin
Na aming mundo ay iyong bubuhayin
Sa pagsilang mo ika’y aming aakayin
Sa mundong ito na iyong tatahakin

Sino kaya ang magiging kamukha mo?
Kanino ka kaya magmamana ano?
Tiyak kami ay palaging magtatalo
Dahil nais namin kami ang manalo

Kami ay sabik na sa iyong paglabas
Dasal naming sana ikaw ay malakas
Nang makayanan ang darating na bukas
Para sa pagtahak sa lupang madulas.



Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

Aking Ama

Maligayang pagbati para sa lahat ng tatay ngayong Father’s Day, Itong tula ay para sa aking mahal na ama. Magkalayo man kami ngayon ng lugar kami ay nandito lang para sa kanya.













Aking Ama
by Eoz

Musmos pa lang ng kami ay iwanan mo
Upang magtrabaho sa ibang ibayo
Lungkot ay tiniis, kumayod ng husto
Para sa iyong mga anak na walo

Salamat ama sa iyong pagtiyaga
Pag-aaral namin iyong sinuporta
At ang iyong hirap ngayon ay nagbunga
Kami ngayon ay kapwa na dalubhasa

Ngayon kami naman ang nasa malayo
Sa ibang bansa kami ay nagtrabaho
Naiintindihan namin ang hirap mo
Habang malayo ang pamilya sayo

Salamat, salamat mahal naming ama
Kahit na hindi mo kami naaruga
Sa iyong mga apong inaalaga
Parang kami na rin ang nakikita

Nawa aking ama ikaw ay masaya
Sa aming narating at natatamasa
Sa iyong ginawa ikaw ay dakila
Isang kang bayani sa’ming puso, Ama!






Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

Colour Pencil

Dahil ngayon ay pasukan nanamn ng mga studyante, naisip ko lang ang mga bagay na lagi kong dala noong ako ay nag-aaral p lang. Colour Pencil ang isa sa mga ito.











Colour Pencil
by Eoz

Noon ikaw aking ginagamit
Sa pagpasok ika’y laging bitbit
Nagbibigay kulay sa’king guhit
Upang markang nais ay makamit

Ngayong teknolohiya’y dumagsa
Sadyang ikaw ay nabaliwala
Photoshop na wari kong nakita
Sa kanya ako din ay humanga

Ngunit sadyang aking naaalala
Sa mga masayang pagsasama
Sa lahat ng aking nakilala
Ang kaeskwela at aking sinta

Kaya ngayon aking abang sinta
Nasa akin nagpapaligaya
Sa guhit na likha at gawa
Kanyang kinulayan at pinasigla

Dasal ko sa panahong darating
Sa Maykapal ay ating i-daing
Makulay na buhay ay ihiling
Tulad ng krayolang magaling




Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

Isang Taon at Anim na Buwan

Alay sa aking asawa, sa aming isang taon at anim na buwan namin bilang mag asawa.


Isang Taon at Anim na Buwan
by Eoz

Isang taon at anim nabuwan
Tayong dalawa'y nagmamahalan
Sarap ng ating pag-iibigan
Hindi kukupas kailan pa man

Ang pagsasama ay anung saya
Sa tuwing tayo ay magkasama
Sa mga ngiti mo o aking sinta
Pagod at lungkot ay napawi na

Pangakong ikaw ay mamahalin
Kahit kailanman susuyuin
Mga tangan na pangarap natin
Isa-isa nating tatahakin

Nawa na sa ating paglalakbay
Si Kristo Hesus ang ating gabay
Sa Kanya lamang natin ialay
Ang pagsasama natin at buhay.




Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

Ang Hamon

Para sa lahat ng bagong halal na ating bansang Pilipinas. Patnubayan nawa kayo ng ating Amang dakila.














Ang Hamon
By Eoz

Ngayon nasa iyo na ang hamon
Ano kaya ang iyong itutugon?
Para sating bayang Pilipinas
Paano mo kaya malulutas?

Alam naming di mo ito kaya
Kung ikaw lamang ang nag-iisa
Pagsubok ng iyong kakayanan
Pagkakaisa ang kalutasan

Sana lamang ay nagtitiwala
Sa bayang nagkakaisa-isa
Sa problemang sa atin ay hamon
Makakamtan sa tamang panahon

Magbigkis-bikis magsama-sama
Bawat mamamayan magkaisa
Si Kristo Hesus ating sandalan
Sa hamon Siya ang kailangan



Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

Daang Matuwid

Ngayon ay idinaklara na ang bagong pangulo ng Pilipinas.
Wednesday, 9June 2010.














Daang Matuwid
by eoz

Ngayong na-iproklama na
Pangulo ng ating bansa
Kami ngayon ay aasa
"Daang matuwid" ika nga

Ayaw namin ng pangako
Dahil baka ka mabigo
Nais naming pagbabago
Huwag sanang maglaho

Kwestyonableng kakayahan
Sana iyong patunayan
Wari iyong magampanan
Pangulong para sa bayan

Malayo pa ang tatahakin
Sa daang tuwid akayin
Bayan ay iyong pawiin
Kasaganaha'y makamtin

Nawa ang iyong sandigan
Ay sa Diyos kailanman
Upang iyong bansang tangan
Daang matuwid ang makamtan







Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

Para sa Kaibigan

Para sa aming kaibigan.
Jayson Serrano (1982-2009).













Para sa Kaibigan
by eoz

Sa mataas na paaralan kami nagkakilala
Pag-aaral ay pinagsisikapan naming talaga
Kahit minsan may kalokohan kaming nagagawa
Natapos naman namin ito ng may ngiti at saya

Kolehiyo ay narito na, kanya kanyang simula
Meron CE, ECE, Nursing, Accounting at iba pa
Nagpakadalubhasa para sa kinabukasan pa
Matapos namin ang kurso at pilit na kinakaya

Kahit iba-ibang paaralan at kursong kinuha
Hindi nakakalimutan ang samahan at barkada
Inuman, awitan at biruan kahit magdamag pa
Walang ibang mahahambing ang aming sayang nadama

Ngunit sadyang kay lupit ng tadhana para sa iba
Nais mang ituloy ang pag-aaral ay di kinaya
Sapagkat salat sa salapi, pangarap ay saka na
Ang pag-aaral ay hininto, trabaho ang inuna

Ngayong nakapag-ipon at nais ng ipagpatuloy
Pag-aaral na matagal nang saiyo isinaboy
Para sa kinabukasan at buhay na tinutukoy
Tila baga ang pangarap na ito ay matutuloy

Wala nilang awang pinaslang itong aming barkada
Kaya kami ngayon ay nagdudusa at nagsisigwa
Ang naiwan niyang alaala ay nadirito pa
Lungkot ba ay mapapawi, kaibigan nasaan ka?

Patuloy ang samahan hanggang ngayon kahit wala ka
Hindi ka nawawala sa kwento at ikaw ang bida
Alam namin hustisya ay ating matatamasa pa
Pananalig at pagtiwala sa Diyos na may likha.



PAGLISAN NG ISANG KAIBIGAN
by: Joden Mariano

Bangungot sa isipan, ng ikay lumisan.
Ni hindi manlang sa amin ay nagpalam
Kamiy nabigla ng may mabalitaan..
Na pinaslang ka pala ng walang kalabanlaban..

Pano maibabalik ang masarap na tawanan..
Lalo na kapag nasa harap ng inuman..
Kung iyong naalala mahal na kaibigan..
Napakasaya nung huli tayo’y mag-inuman..

Napakasaya pa naman kapag ikay kasama…
Walang tulak kabigin kapag ikay nagpatawa..
Sa isang hirit mo ay sumasakit pati panga..
Ngunit lahat ng iyoy isa nalang alalala..

o kay saya pa sana kung ikay nakadilat pa..
patuloy ang saya nating magkakabarkada..
sa harap ng lamesa magsisimula ang saya…
ngunit lahat ay sinira ng mapaminsalang tingga...

Kahit ganun paman ang sinapit mo kaibigan..
Nandidito pa din kami para ituloy ang tagayan..
Patuloy padin alalahanin ang masayang samahan.
At hindi mapapalitan magpakilanman…






Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

Kaibigan















Kaibigan
by eoz

Kaibigan ay maaasahan kailanman
Minsan ay higit pa sa kapatid ang turingan
Problema ay madali lamang nalalampasan
Dahil bawat isa ay kapwa nagtutulungan

Minsan kapag kaibigan ang magtampo sayo
Masakit na salita tangan maririnig mo
Mahabang panahon ang kailangan mo dito
Para sa sugat na dulot nito ay maglaho

Minsan naman kahit malayo sa bawat isa
Hindi nila nakakalimutan mangamusta
Sa paraan ng makabagong teknolohiya
Kahit saang sulok ng mundo ka pa sumadya

Mayroon din akong bagang nakilala
Sabi Niya "huwag daw ako mag aalala"
"Hindi Niya ako iiwan" ang Kanyang wika
Siya ay si Hesus, ganap tayong magtiwala.



Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

Ako ang Simula

Nilikha ko ang "Ako ang Simula" para simulan ang blog na ito. Sana ay inyong magusutuhan.

Ako ang Simula
by eoz
8 pantig bawat taludtod

Bakit ako ang simula
Hindi sa kanila magmula
Dahil sila ay pabaya
Dapat ako ang simula

Simula ng pagbabago
Wag iasa sa gobyerno
Kung gusto mo umasenso
Hindi dapat sa pangulo

Mahirap bang magsimula
Sadya lang puro salita
At wala namang ginawa
Kaya hirap ang nakita

Simula ng pagbabago
Para 'to sa Filipino
Sa bansa at bayan ko
Ang simula ay ako.


Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula