Ang Hamon

Para sa lahat ng bagong halal na ating bansang Pilipinas. Patnubayan nawa kayo ng ating Amang dakila.














Ang Hamon
By Eoz

Ngayon nasa iyo na ang hamon
Ano kaya ang iyong itutugon?
Para sating bayang Pilipinas
Paano mo kaya malulutas?

Alam naming di mo ito kaya
Kung ikaw lamang ang nag-iisa
Pagsubok ng iyong kakayanan
Pagkakaisa ang kalutasan

Sana lamang ay nagtitiwala
Sa bayang nagkakaisa-isa
Sa problemang sa atin ay hamon
Makakamtan sa tamang panahon

Magbigkis-bikis magsama-sama
Bawat mamamayan magkaisa
Si Kristo Hesus ating sandalan
Sa hamon Siya ang kailangan



Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

3 comments:

  1. Sana magawa nga ni Noynoy ang nararapat para sa bayan at hindi sa kanyang pansariling pangangailangan. Nice poem ha! ^_^ At salamat din sa pagdaan, finollow na kita! :P

    ReplyDelete
  2. gusto ko ang iyong huling saknong...
    meron din tayong responsibilidad bilang isang mamamayan sa pag unlad ng ating bansa,... hindi natin pwedeng iasa ang mga bagay na kaya nating gawin sa lipunan.. :)
    ang galing mong gumawa ng poem..:)
    followed u.. :)

    ReplyDelete
  3. salamat sasarai at leng...

    ReplyDelete