Daang Matuwid

Ngayon ay idinaklara na ang bagong pangulo ng Pilipinas.
Wednesday, 9June 2010.














Daang Matuwid
by eoz

Ngayong na-iproklama na
Pangulo ng ating bansa
Kami ngayon ay aasa
"Daang matuwid" ika nga

Ayaw namin ng pangako
Dahil baka ka mabigo
Nais naming pagbabago
Huwag sanang maglaho

Kwestyonableng kakayahan
Sana iyong patunayan
Wari iyong magampanan
Pangulong para sa bayan

Malayo pa ang tatahakin
Sa daang tuwid akayin
Bayan ay iyong pawiin
Kasaganaha'y makamtin

Nawa ang iyong sandigan
Ay sa Diyos kailanman
Upang iyong bansang tangan
Daang matuwid ang makamtan







Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

0 comments:

Post a Comment