Kaibigan















Kaibigan
by eoz

Kaibigan ay maaasahan kailanman
Minsan ay higit pa sa kapatid ang turingan
Problema ay madali lamang nalalampasan
Dahil bawat isa ay kapwa nagtutulungan

Minsan kapag kaibigan ang magtampo sayo
Masakit na salita tangan maririnig mo
Mahabang panahon ang kailangan mo dito
Para sa sugat na dulot nito ay maglaho

Minsan naman kahit malayo sa bawat isa
Hindi nila nakakalimutan mangamusta
Sa paraan ng makabagong teknolohiya
Kahit saang sulok ng mundo ka pa sumadya

Mayroon din akong bagang nakilala
Sabi Niya "huwag daw ako mag aalala"
"Hindi Niya ako iiwan" ang Kanyang wika
Siya ay si Hesus, ganap tayong magtiwala.



Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

0 comments:

Post a Comment