Aking Ama

Maligayang pagbati para sa lahat ng tatay ngayong Father’s Day, Itong tula ay para sa aking mahal na ama. Magkalayo man kami ngayon ng lugar kami ay nandito lang para sa kanya.













Aking Ama
by Eoz

Musmos pa lang ng kami ay iwanan mo
Upang magtrabaho sa ibang ibayo
Lungkot ay tiniis, kumayod ng husto
Para sa iyong mga anak na walo

Salamat ama sa iyong pagtiyaga
Pag-aaral namin iyong sinuporta
At ang iyong hirap ngayon ay nagbunga
Kami ngayon ay kapwa na dalubhasa

Ngayon kami naman ang nasa malayo
Sa ibang bansa kami ay nagtrabaho
Naiintindihan namin ang hirap mo
Habang malayo ang pamilya sayo

Salamat, salamat mahal naming ama
Kahit na hindi mo kami naaruga
Sa iyong mga apong inaalaga
Parang kami na rin ang nakikita

Nawa aking ama ikaw ay masaya
Sa aming narating at natatamasa
Sa iyong ginawa ikaw ay dakila
Isang kang bayani sa’ming puso, Ama!






Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

16 comments:

  1. happy fathers day sa lahat ng ama...

    ReplyDelete
  2. magandang tula :] maligayang araw ng mga ama sa iyong ama at sayo? ama ka na ba? hehe

    ReplyDelete
  3. nice poems happy fathers day ^^

    btw ex-link tayo mahilig din kasi ako gumawa ng poems eh ^^

    ReplyDelete
  4. sweet! galing mo gmwa ng tula :) hehehe happy fathers day saknya

    ReplyDelete
  5. wow. ang sweet naman ni kuya eoz^^ hmmm..naiyak tuloy ako, may sama kase ko ng loob sa ama qh na matagal ko nang kinikimkim. hmm.khit ganun mahal ko parin sya.. happy father's day kay kay daddy moh^^

    ReplyDelete
  6. Nice poem kaibigan! Thanks for the comment on my blog. :)

    ReplyDelete
  7. ki$$ for u, ki$$ me back ok :) thanks

    ReplyDelete
  8. 5 days to go till the next cycle of Hall of Fame! hurry, invite your friends now to vote for your blog and get a chance to be one of the "sikat" at BNP's Hall of Fame! :)

    ReplyDelete
  9. Thanks for dropping by, salamat din sa pag-iwan nang message sa blog ko. You are always welcome.

    Tula tula tula, sana marunong ako nyan. haha!

    ReplyDelete
  10. ako ay naluha sayong ginawang tula.
    na ito ay matuyo, isa ng malaking muta :-)

    Happy fathers day sa lahat ng ating ama..

    ReplyDelete
  11. Hay....kakaiyak nman...

    ReplyDelete
  12. ayus pre,,isa kana rin dalubhasa..hehehehehe...

    ReplyDelete
  13. Salamat sa pagbisita,Im your new follower here:-)

    ReplyDelete
  14. na-miss ko tuloy Papa ko, nasa Saudi... hay! thank God for Fathers! :)

    ReplyDelete
  15. ang gandang ng tulang ito nakatulang sa aking awtput !! ako pala si JONJIE

    ReplyDelete