Para sa Kaibigan

Para sa aming kaibigan.
Jayson Serrano (1982-2009).













Para sa Kaibigan
by eoz

Sa mataas na paaralan kami nagkakilala
Pag-aaral ay pinagsisikapan naming talaga
Kahit minsan may kalokohan kaming nagagawa
Natapos naman namin ito ng may ngiti at saya

Kolehiyo ay narito na, kanya kanyang simula
Meron CE, ECE, Nursing, Accounting at iba pa
Nagpakadalubhasa para sa kinabukasan pa
Matapos namin ang kurso at pilit na kinakaya

Kahit iba-ibang paaralan at kursong kinuha
Hindi nakakalimutan ang samahan at barkada
Inuman, awitan at biruan kahit magdamag pa
Walang ibang mahahambing ang aming sayang nadama

Ngunit sadyang kay lupit ng tadhana para sa iba
Nais mang ituloy ang pag-aaral ay di kinaya
Sapagkat salat sa salapi, pangarap ay saka na
Ang pag-aaral ay hininto, trabaho ang inuna

Ngayong nakapag-ipon at nais ng ipagpatuloy
Pag-aaral na matagal nang saiyo isinaboy
Para sa kinabukasan at buhay na tinutukoy
Tila baga ang pangarap na ito ay matutuloy

Wala nilang awang pinaslang itong aming barkada
Kaya kami ngayon ay nagdudusa at nagsisigwa
Ang naiwan niyang alaala ay nadirito pa
Lungkot ba ay mapapawi, kaibigan nasaan ka?

Patuloy ang samahan hanggang ngayon kahit wala ka
Hindi ka nawawala sa kwento at ikaw ang bida
Alam namin hustisya ay ating matatamasa pa
Pananalig at pagtiwala sa Diyos na may likha.



PAGLISAN NG ISANG KAIBIGAN
by: Joden Mariano

Bangungot sa isipan, ng ikay lumisan.
Ni hindi manlang sa amin ay nagpalam
Kamiy nabigla ng may mabalitaan..
Na pinaslang ka pala ng walang kalabanlaban..

Pano maibabalik ang masarap na tawanan..
Lalo na kapag nasa harap ng inuman..
Kung iyong naalala mahal na kaibigan..
Napakasaya nung huli tayo’y mag-inuman..

Napakasaya pa naman kapag ikay kasama…
Walang tulak kabigin kapag ikay nagpatawa..
Sa isang hirit mo ay sumasakit pati panga..
Ngunit lahat ng iyoy isa nalang alalala..

o kay saya pa sana kung ikay nakadilat pa..
patuloy ang saya nating magkakabarkada..
sa harap ng lamesa magsisimula ang saya…
ngunit lahat ay sinira ng mapaminsalang tingga...

Kahit ganun paman ang sinapit mo kaibigan..
Nandidito pa din kami para ituloy ang tagayan..
Patuloy padin alalahanin ang masayang samahan.
At hindi mapapalitan magpakilanman…






Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

2 comments:

  1. nakakalungkot naman ang nangyari sa iyong kaibigan.. magkaganun man, tuloy ang buhay.. isa man siyang alala ngaun, habang buhay naman ang binigay nyang pagmamahal sa inyong magbabarkada...
    cheer up kaibigan..anjan pa rin ang alaala nya..

    ReplyDelete
  2. leng, salamat sa iyo, naniniwala ako na my plano ang Diyos sa lahat ng bagay..

    ReplyDelete