Ako ang Simula

Nilikha ko ang "Ako ang Simula" para simulan ang blog na ito. Sana ay inyong magusutuhan.

Ako ang Simula
by eoz
8 pantig bawat taludtod

Bakit ako ang simula
Hindi sa kanila magmula
Dahil sila ay pabaya
Dapat ako ang simula

Simula ng pagbabago
Wag iasa sa gobyerno
Kung gusto mo umasenso
Hindi dapat sa pangulo

Mahirap bang magsimula
Sadya lang puro salita
At wala namang ginawa
Kaya hirap ang nakita

Simula ng pagbabago
Para 'to sa Filipino
Sa bansa at bayan ko
Ang simula ay ako.


Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

0 comments:

Post a Comment