Ang pagiging isang OFW ay hindi madali para sa iba. Nandoon na yung malayo sa pamilya, kaibigan at syempre sa alagang aso at pusa, minsan nga pati biik eh (ganito kami sa makati). Maswerte na lang kung kasama mo yung pamilya mo o kaya meron kang kamag anak. Pero minsan dahil na rin sa trabaho minsan na lang din kayo mag usap o magkita. Tulad noong nasa Dubai pa ako, swerte na sa isang buwan kung magkita kami ng kapatid ko, iniisip ko nga na baka takot lang siyang mautangan eh, peace tol!
Minsan naman kailangan mo maghanap ng pagkakaabalahan para di ka mainip o ma-homesick. Kaya din kami nahilig mag-asawa sa photography at bukod sa -ano- ito na lang yung pinagkakaabalahan namin dito. Kasama ang mga grupo ng pinoy na mahilig din sa photography. Dito ay madami kang ma-memeet na bagong kaibigan o ka-ibigan at from them madami ka ding matutunan. I-klick lang photoblog ng wife ko at sa akin. At syempre mas magaling wife ko kaysa akin dahil mas masipag siyang magbasa basa. Magaling din naman ako, magaling mangopya, hehehe. Siguro dahil nag sisimula pa lang ako sa photog eh natural lang ang manggaya sa iba tapos from there pwede mo nang kalikutin yung settings, yung parang kulangot lang na kakalikutin mo tapos bibilugin, ayus na!. Last photowalk namin is Street Photography, ang susunod daw mag nature o landscape photography naman kami. Sakay na…
Photograpiya
Ni Eoz
Sa iyo kami ay nahuhumaling
Nais namin maging magaling
Sa pagkuha na aming hiling
Bakit minsan ang hirap kunin?
Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula