Salamat Ma



Salamat Mama

Salamat Ma sa buhay na iyong ibinigay
Salamat sa pag aalaga sa aming walo
Salamat sa pagtuturo kung paano mabuhay
Kung paano harapin ang bukas

Tinuruan kung paano bumasa at sumulat
Kung paano maglaro
Kung ano ang tama at mali
At kung paano magmahal

Salamat sa bawat oras na ikaw ay nandyan
Sa masasarap na handa tuwing kaarawan,
Sa bawat pagtatapos ng pag aaral
Nan dyan ka pa rin para sumuporta

Noong kinder
Elementarya
High School
At Kolehiyo ay nandyan ka sa aming tabi

Maging noong aking oataking,
Salamat po….
At sa masasarap na handa
Na talagang iyong pinaghirapan

Na maging sa aking pag alis
Para mag punta sa ibang bansa
Noong kami ay nag asawa
At dumating ang munting anghel

Patuloy pa rin ang iyong pagiging ina
At pagmamahal na hangang sa iyong apo
At sa buong pamilya
Maraming salamat po Mama

Happy Mother’s Day!!

We love you!

0 comments:

Post a Comment