After reading this story about Filipina caregiver who really needs our help, support and love. I didn't hesitate to repost this article as for this simple post means a lot to her and for her family.
She was a caregiver in Haifa, Israel.
She is 32 years old single mom, and is working for 5 years as caregiver in Haifa. For more than one month, she had been hospitalized, and her friends and family learned from the doctor taking care of her, that she needs immediate medication and treatment for stomach cancer.Her friends had been persistently asking the support of the embassy in Israel to repatriate Sharon so she can spend most of her remaining days with her son. The embassy said they can't help her because she was UNDOCUMENTED after her employer died of old age, and she decided to stay even without documents so she can support her son and family.
We found out that the embassy wanted Sharon to stay and stabilize at the hospital before flying home. The doctor advised otherwise because chemotherapy could weaken her more.
The letter below was from Mush, Sharon's friend and also a caregiver. We forwarded this letter to The Ople Center through the effort of Ms. Susan Ople, and the Patnubay who knew well the rules regarding this situation.The Ople Center contacted the embassy in Israel, and do more of the contacting in Manila.
As of this writing, Sharon is being flown from Haifa to Manila.
We would like to plead for support moral and financial and donation, or even sponsorship of her son's education.
Here is the letter from Mush:
Magandang araw po sa inyong lahat.
Si Sharon Flores po, 32 years old, ay isang caregiver dito sa Israel. Mahigit isang buwan na po ang nakakaraan ng mag umpisang sumakit ang kanyang tyan, ayon po sa mga doktor, ang pananakit daw po ng kaniyang tyan ay sanhi ng appendicitis, kung kaya madalian po siyang inoperahan upang alisin ang knyang appendix. Ilang araw siyang tumagal sa hospital, hanggang pauwiin na sa kanyang bahay. Pagkaraan ng ilang araw, tumawag muli ang doktor sa kanya upang pabalikin sya sa hospital dahil may nakita silang iregularidad sa knyang sikmura. Mula noon ay ini confine sya sa hospital at sumailalalim sa iba't ibang tests. Pagkatapos ng ilang araw, lumabas ang findings ng doktor at nadiagnose sya na merong STOMACH CANCER, STAGE 4, at ipinayo ng mga doktor na iuwi na sya upang sa Pilipinas sumailalim ng chemotherapy. Sa kasalukuyan po ay naka confine pa din sya sa hospital habang hinihintay ang mga dokumentong kailangan nya sa kanyang pag uwi, at inaasahan po namin na makakauwi sya sa susunod na linggo.
Siya po ay isa lamang sa napakaraming Pilipino na nakikipagsapalaran sa bansang ito at nagtatrabaho kahit walang dokumento. Siya po ay nasa ilalim ng kategoryang UNDOCUMENTED WORKER, at sinabi po ng DFA na wala syang matatanggap na kahit na anong benipisyo mula sa gobyerno. Wala din pong maibigay na tulong pinansyal ang Philippine Embassy dito sa Israel o kahit na po sa OWWA ay di sya entitled sa kahit anong benifits dahil sa status nya . Bilang isang breadwinner ng pamilya, sya po ay walang ipon na pera at meron po syang 9 na taong gulang na anak na lalaki na nangangailangan ng suporta at pagmamahal nya. Sinubukan na po namin na makakolekta ng kaunting pera mula sa mga malalapit na kaibigan pero alam ko po na hindi yun sasapat para sa pagpapagamot nya.
Siya po ay isang mabuting halimbawa ng isang mabuting mamamayan, na handang ibigay ang lahat para sa mga mahal nya sa buhay, at sya din po ay kabilang sa mga bagong bayani ng ating bayan. Sayang po kung basta na lamang isusuko ang laban kung dahil lamang sa kakulangang pinansyal. Kaya po bilang isang kaibigan, na nakakita at nakasaksi sa kanyng kahirapan, idinudulog ko po sa inyo, at nagmamakaawa po ako, na sana ay tulungan nyo sya na madugtungan pa ang kanyang buhay, para sa kanyang anak na umaasa na sa paglaki nya ay may ina sya na makakatuwang sa buhay.
If you wish to donate or offer prayers and support for Sharon,
please email at contact@pinoyblogawards.com
For more information please visit PEBA.
No comments:
Post a Comment