Buhay OFW

Isang likha para sa mga kapwa ko OFW. Pasasalamat sa aking ama, kapatid at kaibigang nagtitiis sa ibayong dagat upang may pantustos sa pangangailangan ng pamilya.

Buhay OFW
by eoz
10 pantig bawat taludtod


Bagong bayani ng ating bansa
Iyan ang sinasabi ng madla
Madami sa'tin ang umaaasa
Padala para sa'yong pamilya

Madali makipagsapalaran
Ang komunikasyon daw ay nandyan
Ngunit pa'no ang walang kaalaman
O bulsa ay laging walang laman

Sakripisyo ng bagong bayani
Dapat natin 'tong ipagmalaki
Para sa pamilya't bayang lipi
Para sa bukas nating mabuti

Iniisip palagi ang pamilya
Panibagong buhay ay kinaya
Salamat sa Diyos na lumikha
Sa Iyo lamang kami aasa.


Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

Everything Skit

Everything
This skit presentation is played during our church 7th anniversary at GCC Dubai. Watch and be blessed.
Everything
by Lifehouse
lyrics
Find me here, speak to me
I want to feel you, I need to hear you
You are the light that's leading me to the place
Where I find peace again

You are the strength that keeps me walking
You are the hope that keeps me trusting
You are the light to my soul
You are my purpose
You're everything

And how can I stand here with you
And not be moved by you
Would you tell me how could it be any better than this

You calm the storms and you give me rest
You hold me in your hands
You won't let me fall
You still my heart, and you take my breath away
Would you take me in take me deeper now

And how can I stand here with you
And not be moved by you
Would you tell me how could it be any better than this

And how can I stand here with you
And not be moved by you
Would you tell me how could it be any better than this

Cause you're all I want,
You're all I need
You're everything.. everything
You're all I want
You're all I need
You're everything.. everything
You're all I want
You're all I need
You're everything.. everything

You're all I want
You're all I need
Everything.. everything

And how can I stand here with you
And not be moved by you
Would you tell me how could it be any better than this
And how can I stand here with you
And not be moved by you
Would you tell me how could it be any better any better than this
And how can I stand here with you

And not be moved by you
Would you tell me how could it be any better than this
Would you tell me how could it be any better than this

Walk by Faith, Not by Sight

Walk by Faith, Not by Sight
2 Corinthians 5:7

God is faithful to His promise despite we are going to wait too long to answer our prayer. But we need to believe the Lord, and He counted it to him as righteousness.

We walk by faith and not by sight as a Christian. This is the steps to Salvation, to walk in faith in Christ, even we have not seen Him with our own eyes, nor heard of Him personally. What we heard is through preaching by pastors and reading of the Bible. Faith is important in believing in Jesus Christ, our Saviour and Lord. Faith is believing in life that we cannot see, but what we are hope for.

Walk by faith means walk in life with Jesus. It is the route chosen as a sphere of action on one's life. We focus to eternity rather than our life here in earth. We supposed to love God and to love his fellowmen. To love his neighbor is to respect and honour them, inspite of race, colour and religion.

Walking by faith with Jesus Christ is to follow God’s will. All roads may lead us to place, but the road to heaven is only one way through Jesus Christ, our Lord and Saviour.

Online

Sa aming pakikipagsapalaran sa ibang bansa, wala na kaming ginawa kundi maghanap ng mga pwedeng mapanood o makapakinig ng mga free online. Libre lang hinahanap namin, hindi na rin kami gumagastos para dun. Wala kasi kaming TFC dito. Sa kagustuhan din namin hindi mahuli sa mga balita sa ating bansa o maging sa ibang parte na rin ng mundo. Sa bahay at kahit sa opisina madalas kaming nakikinig o nanonood, lalo na kapag may mga espesyal na araw. Katulad na lamang ng Halalan 2010 at noong iprinoklama si P-Noy at V-Nay. Isang itong makasaysayan sa ating mga Filipino at bansang Pilipinas kaya naman hindi namin ito pinalamapas.

(paano kaya kung mag online din ang mga unggoy)

Madami na nagagawa ngayon ang internet, kahit nga NBA2010 Finals nakakanood kami mula sa free online streaming. Minsan nga nakakabilib ang mga lumalabas na bagong imbensyon. Kahit cellphone madami na rin nagagawa at napakabilis nilang maglabas ng mga bagong model. Naalala ko pa taong 2004, Nokia 5110 ko ilang buwan lang nalaos na at mabilis magmura. Minsan nga kapag may gusto kang bilin hintayin mo na lang mag mura dahil mabilis naman magbago ang presyo nun. Kung yun dati call and text lang ang nagagawa ng cellphone talagang boses lang maririnig mo. Ngayon pwede mo na makita yung kausap mo o kaya naman pwede na ding mag internet sa mobile mo. Galing noh?

Meron din tayong mga official website ng mga government bodies natin. Kung walang time at may gusto kang malaman, pwede ka na makapagcheck online. May mga impormasyon ka nang makikita na sagot sa iyong mga katanungan. Kung hindi naman eh may mga impormasyon naman sila kung paano mo sila makokontak o mapupuntahan.

Share ko lang yung mga online na pinupuntahan ko para makapanood at makapakinig ng libre. Pati na rin mga website na makakatulong sa ating mga ofw. Sana kahit papaano eh makatulong lalo na sa mga kapwa ko bayani, hehe. Para sa mga kapuso at kapamilya.

Official Website:

Philippine Government Website:
DFA 


Free Download Movies:

Lutong Pinas

Lutong Pinas

Dumarating ang araw na talagang nami-miss ko yung luto ng aking ina at pati na rin ng mga kapatid ko. Mahirap din makuha yung lasa ng kanilang niluluto dahil na rin siguro sa iba ang lasa ng karne dito at sa pinas. Hindi ko nga maintindihan kung bakit, siguro dahil yung baboy dito ay parang lasang baka at hirap palambutin. Kaya naman kapag nagbabakasyon kami mag-asawa, una namin pinapaluto eh adobong baboy, sinigang na baboy, inihaw na baboy at iba pang luto sa baboy. Minsan nga din noong nagbakasyon yung kapatid ko galing Qatar, ako lang nag sundo sa kanya sa airport, pinagdala pa nya ako ng lechon baboy (bili ko sa lydias lechon) para pagdating daw nya kakainin daw nya sa parking ng NAIA, hindi nga makapag hintay eh.

Kaya nga pwede mong tawaging lutong pinoy pero hindi lutong pinas. Para sa akin talagang iba ang lasa kapag sa produktong pinas yung mga sangkap. Akala ko din pag imported na toyo ang binili mo mas masarap, pero pag nagluto na kami ng adobo eh mauubos na yung laman hindi mo pa din makuha yung lasa na gusto mo.

Ang mga pinoy din ay likas na mahilig sa kanin. Sa atin lang yata yung Mc Do na may kanin. Sa mga bansa na napuntahan ko hindi talaga sila nagse-serve ng kanin. Minsan nga pati KFC wala din, pero dito naman meron kaya lang wala namang gravy, ketchup lang. Nakakainis nga eh, yun pa naman masarap sa KFC, gravy pa lang ulam na. Pero sa lahat ng napuntahan namin, sa India lang kami nahirapan maghanap ng makakainan. Parang lahat ng kakainan namin eh may kakaibang lasa. Kaya noong nandun kami ng limang buwan pinilit namin mag-asawa minsan lang kumain sa labas. Kung kakain naman kami panigurado hindi sa Indian resto kundi sa Chinese resto kami, hindi talaga namin carry yung curry nila. Kaya din lagi kaming nagluluto kasama na baon namin kinabukasan. Kaya medyo nakaipon kami nun, hehe.

Ang iba’t ibang bansa ay meron ding sariling specialty sa pagkain. Maganda din yung nakaka-discover ka ng iba-ibang luto. Syempre para sa ibang lahi yung pagkain natin para sa iba masarap pero sa iba naman ay hindi. Tulad ng lang ng kasama kong thailander dati, kapag may handaan sa accomodation syempre yayain mo sila. Itong medyo kabiruan namin nagtanong na bakit daw ang pagkain namin ay parang wala lang. Palibhasa kasi sila kapag kumakain laging may madaming chili o sili, kulang na nga lang gawin nilang kanin yun sa dami. Kaya naman parang wala lang sa kanila yung pagkain natin.


Ang kuhang larawan ay isa sa mga bonding moments namin mag asawa. Nagluluto kami ng sabay habang nagkukulitan. Naisip lang namin na gayahin yung kinakain namin dito sa KL. Yellow Mee daw tawag dyan sa unang larawan. Ito yung kinakain namin kapag magdagdag oras kami (OT). Yung pangalawa naman ay "seafood – vegetable mix". Hindi kami sigurado basta minsan may nakain kaming ganyan. Ang importante ay nag enjoy kami sa pagluluto magkasama. Tingin nyo ano ang niluto ko dyan. 1 o 2?

Ate I

Kung ang ating ama ay haligi ng tahanan at ang ating ina ang ilaw ng tahanan, ikaw naman ang panganay ng tahanan, hindi naman ako pwede kasi bunso ako di ba. Namiss ko noong isinasama mo ako sa office nyo para meron kang body guard, akala ko nanay lang mahilig magsama ng bata sa office pati pala ate. Pero alam mo ba na high school na ako nun maliit lang ako pero ayus lang lagi naman akong may pamasko sa ka-officemate mo o minsan sa amo mo pa, unting pacute lang ayos na. Ngayon nagtayo ka na ng sarili mong opisina sa bahay hindi natuloy ako nakakapunta. Naalala mo ba noon ako yung taga bili mo ng napkin, modess with wings pa. Nahiya nga ako nun kasi akala nila ako yung gumagamit, "manang lalaki po ako".

Pati sa paborito mong koponan na Ginebra, dahil ikaw panganay lahat kami dapat Ginebra din, takot kasi kami sa kurot mo. Pati nga sa grocery ayaw mo bumili ng Alaska at Purefoods dahil asar ka sa kanila, pinili mo pa ang Ginebra yan tuloy laging lasing sila kuya. Tapos ikaw laging may hawak ng remote, ginawa mo ngang laruan eh palipat lipat ka ng channel, siguro bumibilib ka sa nag imbento nun. Nahilo na nga kami sayo, kaya nagtoto-its na lang kami nila kuya. Paborito mo din nga pala si Sharon Cuneta, nagagalit ka pag sinasabi naming sharon cubeta, muntik mo na nga maging kamukha sa sobrang paghanga mo sa kanya. Pati nga boses muntik na, pero sori te, malayo talaga eh. Minsan nga din kakanood mo ng show nya, bigla na lang may humablot ng cellphone mo, biruin mo ba naman sa loob ng bahay na-iisnatchan ka pa. Hi-tech na din snatcher sa atin, pumapasok na sa bahay. Tapos pinahabol mo sa akin di mo alam eh takot ako sa aso, dami kasing aso sa labas di ko na nahabol.

Ikaw na din pala tumulong sa pagpagawa ng bahay, nakita mo siguro na lumaki at tumataba na tayo pero syempre ikaw pinakamataba sa amin. Buti na lang malayo ako kundi may kurot nanaman ako. Parehas din pala tayong pinanganak ng year of the dog, takot ka rin ba sa aso? Sabi mo magkasing bait tayo kasi pareho tayong year of the dog, sori! hindi siguro, mas mabait ako at matigas ulo mo, hehehe. Di bale bawi ka nalang pag nandyan na ako.

Noong college ako buo pa rin ang iyong suporta, salamat te. Yung hindi kayang ibili ni mama at dad ikaw ang nagbibigay. Lalabahan ko lang naman ang damit mo, o kaya lilinisin ko kotse mo, o yung condo dati meron na akong pang tuition next sem. Pati nga drafting board at gamit ko sa pagguhit ikaw na din ang bumili, gamit ang credit card mo na para bang walang limit kapag ginamit natin, yan tuloy laging tumatawag ang Citibank sa bahay para maningil. Pero ok lang magaling ka naman magtago nun. Hinatid mo pa ako ng school para sa thesis ko at sumama sa deliberation room kahit bawal, para siguro kapag mahirap ang tanong ikaw ang sasagot (joke lang). Nakita mo akong nahihirap sa pagpaliwanag ng thesis ko, napailing ka pagkatapos at nasabi mo na lang na “buti cute ka kaya ka nakapasa” hehehe kapatid nga kita. Hindi nyo kasi alam na accounting talaga gusto ko tulad nyo ni ate lyn, si mama kasi ayaw nya akong maging madaya tulad nyo. Ok lang parehas naman letter A ang accounting at architecture, alam ko naman masaya din kayo ng grumaduate ako at nakapasa sa board. Salamat pala sa handa.

Ikaw din naghahatid sa amin mag-asawa pagpaalis papuntang ibang bansa. “Ingat kayo” yan na lang iyong nasasabi, sabay bulong na “malapit na b-day ng anak ko” “inaanak mo yan”. Magaling ka din palang magparinig, kala ko hindi ka nagmana sa akin.

Eh pano yan sabi mo malapit na b-day ng anak mo, di mo sinabi na malapit n bday mo, kaya anak mo na lang may gift ha? At dahil b-day mo, ikaw na yung pinakamabait sa amin. Kamukha mo na din si sharon at kaboses pa.

Happy Birthday Te, alam ko naman na nagampanan mo ang iyong pagiging panganay sa ating walong magkakapatid. Mahal ka namin kahit matigas ulo mo, dito lang kami palagi sa likod mo.
Salamat!

Nagmamahal,
Bunso

Ate I
Ni Eoz

Panganay ka sa aming walo
Ginampanan nga ito ng husto
Dahil sa pagmamahal mo
Ito ay tatanim sa aming puso