Bata sa Basura

Balitang balita ang isang malagim na sinapit ng isang sanggol na tinapon sa basurahan sa toilet ng isang Eroplano. Marami ang nagalit, marami ang nagtaka, merondin namang humanga. Ngunit hindi natin dapat husgahan ang babaeng gumawa ng isang bagay na hindi kaya gawin ng isang ina. Maaring meron siyang mabigat na dahilan. Subalit bilang isang tao hindi natin dapat gawin hayop ang naging bunga ng isang insidente. Kung meron lang sana tayong isang magandang gobyerno, hindi na kailangan gawin ng isang ina ang isang hindi katanggap tangap ng pangyayari. Isang gobyerno na pwede mo lapitan sa mga sitwasyon na kailangan mo sila. Ngunit minsan ayaw mo lang lumapit dahil baka ma-disappoint ka lang o maaaring wala din silang magagawa.


Bata sa Basura
by Eoz

Nasan ako aking ina?
Ako’y lumabas ng hindi ka nadama
Nakahiga sa mga basura
Na dapat sa bisig mo, ina.

Tao po ako
Bakit ako ay iyong itinago?
Sa isang basurang mabaho
Nasan ang iyong puso?

Dapat bang itong gawin?
At ito ay aking makamtin
Ano kaya ang kinabukasan?
Na walang inang mahahagkan.

Nais ko lamang ina
Iyong malaman tuwina
Mahal kita kahit na…
Itinapon mo akong parang basura.


Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

0 comments:

Post a Comment