Paano Gumawa ng Tula

Paano Gumawa ng Tula?


Para sa iba ang paggawa ng tula ay mahirap at sa iba naman ay madali. Ang halimbawa na lamang nito ay hindi lahat ng manunulat ay nakakagawa ng tula. Ang ibang makata naman ay hindi rin nakakasulat ng kwento o nobela.

Para naman sa akin ang paggawa ng tula ay base sa nararamdaman at naiisip ng isang tao, dito inilalabas ng isang manunulat ang kanyang saloobin at nararamdaman. May mga tula na ang gumawa lamang ang nakakaintindi ng ibig sabihin ng kanyang isinulat. May mga iba din na hindi maintindihan ang kanyang sariling tula. Ang iba naman ay nakagisnang talino ang paggawa ng tula. Meron namang hindi nag-aral o hindi nagbabasa pero nakakasulat ng isang magandang tula. Ang iba naman ay kailangan ng inspirasyon bago makalikha ng isang tula. Halimbawa na lamang kung ang isang lalaki ay may nililigawan. Kasama sa pagpapaporma eh gagawa sya ng tula para sa babae. May mga tao naman na sa sobrang kalungkutan ay nakakagawa din sila ng magandang tula. Dito nila inilalabas ang galit at paninibugho nila. May iba’t ibang paraan kung saan sila nakakahugot ng kanilang isusulat, tulag ng pagkakaiba ng ating pag-iisip, pagkatao, panlasa, pang-amoy at pandama.

Alam nyo ba na may bahagi din ang tula? Ayon sa aking pagsasaliksik ang tula ay meron din mga bahagi. Ito ay ang tema, pamagat, estilo, simula, simbolo, katawan at wakas.



Paano Gumawa ng Tula
12 taludtod

Paano nga ba ginagawa ang tula?
Ilang bang taludtod at saknong kaya?
Para makagawa ng magandang tula,
Tanong ko sa aking sarili nung una.

Mahalaga pa ba ang pormal na tula?
Gayong isip at puso ang nagdidikta
Sa mga salita na nais ng may akda
Para sa bawat taong minamahal nya


Nais ko’y isang malayang manunulat
Sa bawat letra na aking sinusulat
Saloobin ng puso ay masiwalat
Para na din sa kababayan kong salat

Ngayon bayan ko ang aking inspirasyon
Sa paggawa ng tula na aking layon
Sa bawat bahagi ng aming kuwesyon
Nawa sa bawat tula ay may tutugon.

12 comments:

  1. tama ka, sa totoo lang.

    Hindi mo kailangang maging makata
    Upang gumawa ng isang magandang tula
    Sa simpleng inspirasyon tulad ng gamu-gamo
    Ay maaari kang magsimula ng akda ng pagbabago

    Kaibigan, ako sa iyo'y humahanga
    Pagkat bayan ang inspirasyon mo sa iyong katha
    Sa napili mong simple ngunit magandang paraan
    Maari kang maging huwaran para sa 'ting mga kababayan

    Nagbabalik si Munting Bisiro.

    ReplyDelete
  2. pwede pong pahinge ng number nyo?

    ReplyDelete
  3. @Btch - you can email me at zoe_n_p at yahoo dot com. thanks

    ReplyDelete
  4. pwede pong pagawa ng tula tungkol sa soberanya ng bansa kung maaari po makahingi na bukas please lng po

    ReplyDelete
  5. pwede po bang pagawa ng tula tungkol sa soberanya ng bansa kung pwede po bukas pahingi na please lng po

    ReplyDelete
  6. sa gumawa ng blog na to ang tulad mo'y dapat iniidolo
    sa pagiging makata ikaw ang sumisimbolo
    kung maaari lng sana ikaw ay mag apply bilang aking disipolo
    ang offer ko sana'y pag isipan mo


    at sa mga taong galit at d natutuwa
    subukan mong mki pag balagtasan sa akin ng matuto ka
    nang yang iyong kahambugan ay mabura
    pasalamat ka dito bawal mag mura!!

    ReplyDelete
  7. para sa gumawa ng tula sa taas...

    ang taong katulad mo'y dapat iniidolo
    sa pagiging makata ikaw ang sumisimbolo
    kung maaari sana ikaw ay mag apply bilang aking disipolo
    ang offer kong iyan sana'y pag isipan mo

    at sa mga taong hindi natutuwa
    subukan mong mkipag balagtasan sa aking ng matutuka
    para yang iyong kahambugan ay mabura
    pasalamat ka dito ay bawal mag mura!!

    ReplyDelete
  8. pewde pong magpatulong sa paggawa ng TULA tongkol sa kabiguan ni Dr. Jose Rizal sa madrid. Pormal na tula po.

    ReplyDelete