Online

Sa aming pakikipagsapalaran sa ibang bansa, wala na kaming ginawa kundi maghanap ng mga pwedeng mapanood o makapakinig ng mga free online. Libre lang hinahanap namin, hindi na rin kami gumagastos para dun. Wala kasi kaming TFC dito. Sa kagustuhan din namin hindi mahuli sa mga balita sa ating bansa o maging sa ibang parte na rin ng mundo. Sa bahay at kahit sa opisina madalas kaming nakikinig o nanonood, lalo na kapag may mga espesyal na araw. Katulad na lamang ng Halalan 2010 at noong iprinoklama si P-Noy at V-Nay. Isang itong makasaysayan sa ating mga Filipino at bansang Pilipinas kaya naman hindi namin ito pinalamapas.

(paano kaya kung mag online din ang mga unggoy)

Madami na nagagawa ngayon ang internet, kahit nga NBA2010 Finals nakakanood kami mula sa free online streaming. Minsan nga nakakabilib ang mga lumalabas na bagong imbensyon. Kahit cellphone madami na rin nagagawa at napakabilis nilang maglabas ng mga bagong model. Naalala ko pa taong 2004, Nokia 5110 ko ilang buwan lang nalaos na at mabilis magmura. Minsan nga kapag may gusto kang bilin hintayin mo na lang mag mura dahil mabilis naman magbago ang presyo nun. Kung yun dati call and text lang ang nagagawa ng cellphone talagang boses lang maririnig mo. Ngayon pwede mo na makita yung kausap mo o kaya naman pwede na ding mag internet sa mobile mo. Galing noh?

Meron din tayong mga official website ng mga government bodies natin. Kung walang time at may gusto kang malaman, pwede ka na makapagcheck online. May mga impormasyon ka nang makikita na sagot sa iyong mga katanungan. Kung hindi naman eh may mga impormasyon naman sila kung paano mo sila makokontak o mapupuntahan.

Share ko lang yung mga online na pinupuntahan ko para makapanood at makapakinig ng libre. Pati na rin mga website na makakatulong sa ating mga ofw. Sana kahit papaano eh makatulong lalo na sa mga kapwa ko bayani, hehe. Para sa mga kapuso at kapamilya.

Official Website:

Philippine Government Website:
DFA 


Free Download Movies:

12 comments:

  1. Buti naman at may mga napapaglibangan kayo jan boss.. di biro ang maging OFW..

    ReplyDelete
  2. @midnight driver, oo nga... namiss ko din beep beep ng jeep...

    ReplyDelete
  3. Super gamit ang internet. Parang and mundo ay nasa harapan mo na lang. hehehe.. you can do almost everything: learning, online jobs, shopping, viewing movies, listening to musics, etc....

    ReplyDelete
  4. @yannie, tama ka, nandito na halos lahat ng gusto mong malaman... kung sa tamang paraan mo lng ito gagamitin...

    ReplyDelete
  5. Oo that's how technology bequeaths ease in every detail sa life natin! Thanks for the share sa sites, I know already what you have mentioned pero ang iba, d pa^^

    ReplyDelete
  6. saan po ba kayon nagtatrabaho?
    ayos po yung hindi nyun nakakalimutang makibalita sa pilipinas. Buti na lang nandyan na ang mga free streaming kaya kahit nasang panig kayo ng mundo ay updated pa din kayo.

    ReplyDelete
  7. Paying u back a visit! Salamat.

    ReplyDelete
  8. @ jhiegzh - oo nga ung iba common naman,

    ReplyDelete
  9. " inday - salamat po sa bisita

    ReplyDelete
  10. @ munting bisiro - Dito kmi ng wifey ko sa KL

    ReplyDelete
  11. Thanks for sharing those sites.

    Anway, mabilis talaga ang takbo ng panahon. Ang daming nagbabago. Ang bilis din ng pag-unlad ng teknolohiya. haiz! Hinihintay ko nalang din yung pagbaba ng presyo ng mga gadgets ngayun para naman makabili ako with my own money na naiipon ko. Para naman masabi kong may na-invest ako diba.

    ReplyDelete