Lutong Pinas

Lutong Pinas

Dumarating ang araw na talagang nami-miss ko yung luto ng aking ina at pati na rin ng mga kapatid ko. Mahirap din makuha yung lasa ng kanilang niluluto dahil na rin siguro sa iba ang lasa ng karne dito at sa pinas. Hindi ko nga maintindihan kung bakit, siguro dahil yung baboy dito ay parang lasang baka at hirap palambutin. Kaya naman kapag nagbabakasyon kami mag-asawa, una namin pinapaluto eh adobong baboy, sinigang na baboy, inihaw na baboy at iba pang luto sa baboy. Minsan nga din noong nagbakasyon yung kapatid ko galing Qatar, ako lang nag sundo sa kanya sa airport, pinagdala pa nya ako ng lechon baboy (bili ko sa lydias lechon) para pagdating daw nya kakainin daw nya sa parking ng NAIA, hindi nga makapag hintay eh.

Kaya nga pwede mong tawaging lutong pinoy pero hindi lutong pinas. Para sa akin talagang iba ang lasa kapag sa produktong pinas yung mga sangkap. Akala ko din pag imported na toyo ang binili mo mas masarap, pero pag nagluto na kami ng adobo eh mauubos na yung laman hindi mo pa din makuha yung lasa na gusto mo.

Ang mga pinoy din ay likas na mahilig sa kanin. Sa atin lang yata yung Mc Do na may kanin. Sa mga bansa na napuntahan ko hindi talaga sila nagse-serve ng kanin. Minsan nga pati KFC wala din, pero dito naman meron kaya lang wala namang gravy, ketchup lang. Nakakainis nga eh, yun pa naman masarap sa KFC, gravy pa lang ulam na. Pero sa lahat ng napuntahan namin, sa India lang kami nahirapan maghanap ng makakainan. Parang lahat ng kakainan namin eh may kakaibang lasa. Kaya noong nandun kami ng limang buwan pinilit namin mag-asawa minsan lang kumain sa labas. Kung kakain naman kami panigurado hindi sa Indian resto kundi sa Chinese resto kami, hindi talaga namin carry yung curry nila. Kaya din lagi kaming nagluluto kasama na baon namin kinabukasan. Kaya medyo nakaipon kami nun, hehe.

Ang iba’t ibang bansa ay meron ding sariling specialty sa pagkain. Maganda din yung nakaka-discover ka ng iba-ibang luto. Syempre para sa ibang lahi yung pagkain natin para sa iba masarap pero sa iba naman ay hindi. Tulad ng lang ng kasama kong thailander dati, kapag may handaan sa accomodation syempre yayain mo sila. Itong medyo kabiruan namin nagtanong na bakit daw ang pagkain namin ay parang wala lang. Palibhasa kasi sila kapag kumakain laging may madaming chili o sili, kulang na nga lang gawin nilang kanin yun sa dami. Kaya naman parang wala lang sa kanila yung pagkain natin.


Ang kuhang larawan ay isa sa mga bonding moments namin mag asawa. Nagluluto kami ng sabay habang nagkukulitan. Naisip lang namin na gayahin yung kinakain namin dito sa KL. Yellow Mee daw tawag dyan sa unang larawan. Ito yung kinakain namin kapag magdagdag oras kami (OT). Yung pangalawa naman ay "seafood – vegetable mix". Hindi kami sigurado basta minsan may nakain kaming ganyan. Ang importante ay nag enjoy kami sa pagluluto magkasama. Tingin nyo ano ang niluto ko dyan. 1 o 2?

8 comments:

  1. sa tingin q ung 2, kasi ung 1 may clamansi on the side, wala lang, hula lng naman... kakagutom ang pancit canton, hohoh... ^_^

    ReplyDelete
  2. Jen, oo nga pansit canton tawag sa atin nyan...
    salamat sa comment at hula...

    ReplyDelete
  3. pre tingin ko yung niluto mo yung 1st photo..medyo maitim eh..hahaha..joke..pre iba parin yung lutong pinoy sa pinas...manamnam..hehehehe..ang kagalingan pa ng pinoy..yung mga luto ng ibang nasyon kaya lutuin ng pinoy..pero yung luto natin mahihirapan sila..hehehehe..

    ReplyDelete
  4. tingin ko no. 2 niluto mo, nagutom tuloy ako. buti pa kau ni bev, u find time to cook together, kainggit! sana ganyan din kmi ng hubby ko....hehehe

    ReplyDelete
  5. Wow ang saya naman ng cooking trip nyo ng wife mo. Sarap ng pancit na luto nyo, nakakagutom.

    ReplyDelete
  6. no.2 kasi kumpleto recados, fresh shrimps and squids, hay litrato pa lang busog na. :P

    ReplyDelete
  7. ahaha.. beep beep.. sa ganya magaling ang driver.. dun ako sa una.. tyamba pag mali.. wehehehe

    ReplyDelete
  8. nakikibasa dito. kasama ko yung mga blog ko!
    www.adlsuarez.com
    www.carmelscooking.com

    ReplyDelete