Buhay OFW

Isang likha para sa mga kapwa ko OFW. Pasasalamat sa aking ama, kapatid at kaibigang nagtitiis sa ibayong dagat upang may pantustos sa pangangailangan ng pamilya.

Buhay OFW
by eoz
10 pantig bawat taludtod


Bagong bayani ng ating bansa
Iyan ang sinasabi ng madla
Madami sa'tin ang umaaasa
Padala para sa'yong pamilya

Madali makipagsapalaran
Ang komunikasyon daw ay nandyan
Ngunit pa'no ang walang kaalaman
O bulsa ay laging walang laman

Sakripisyo ng bagong bayani
Dapat natin 'tong ipagmalaki
Para sa pamilya't bayang lipi
Para sa bukas nating mabuti

Iniisip palagi ang pamilya
Panibagong buhay ay kinaya
Salamat sa Diyos na lumikha
Sa Iyo lamang kami aasa.


Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

3 comments:

  1. napakagandang tula para sa OFW.

    ReplyDelete
  2. ui pwdi pgawa ng 12 pantig bawat taludtod??

    ReplyDelete
  3. Helo, anonymous, ano po topic, try ko po, medyovbusy kasi sa work,
    Thanks

    ReplyDelete