Ate I

Kung ang ating ama ay haligi ng tahanan at ang ating ina ang ilaw ng tahanan, ikaw naman ang panganay ng tahanan, hindi naman ako pwede kasi bunso ako di ba. Namiss ko noong isinasama mo ako sa office nyo para meron kang body guard, akala ko nanay lang mahilig magsama ng bata sa office pati pala ate. Pero alam mo ba na high school na ako nun maliit lang ako pero ayus lang lagi naman akong may pamasko sa ka-officemate mo o minsan sa amo mo pa, unting pacute lang ayos na. Ngayon nagtayo ka na ng sarili mong opisina sa bahay hindi natuloy ako nakakapunta. Naalala mo ba noon ako yung taga bili mo ng napkin, modess with wings pa. Nahiya nga ako nun kasi akala nila ako yung gumagamit, "manang lalaki po ako".

Pati sa paborito mong koponan na Ginebra, dahil ikaw panganay lahat kami dapat Ginebra din, takot kasi kami sa kurot mo. Pati nga sa grocery ayaw mo bumili ng Alaska at Purefoods dahil asar ka sa kanila, pinili mo pa ang Ginebra yan tuloy laging lasing sila kuya. Tapos ikaw laging may hawak ng remote, ginawa mo ngang laruan eh palipat lipat ka ng channel, siguro bumibilib ka sa nag imbento nun. Nahilo na nga kami sayo, kaya nagtoto-its na lang kami nila kuya. Paborito mo din nga pala si Sharon Cuneta, nagagalit ka pag sinasabi naming sharon cubeta, muntik mo na nga maging kamukha sa sobrang paghanga mo sa kanya. Pati nga boses muntik na, pero sori te, malayo talaga eh. Minsan nga din kakanood mo ng show nya, bigla na lang may humablot ng cellphone mo, biruin mo ba naman sa loob ng bahay na-iisnatchan ka pa. Hi-tech na din snatcher sa atin, pumapasok na sa bahay. Tapos pinahabol mo sa akin di mo alam eh takot ako sa aso, dami kasing aso sa labas di ko na nahabol.

Ikaw na din pala tumulong sa pagpagawa ng bahay, nakita mo siguro na lumaki at tumataba na tayo pero syempre ikaw pinakamataba sa amin. Buti na lang malayo ako kundi may kurot nanaman ako. Parehas din pala tayong pinanganak ng year of the dog, takot ka rin ba sa aso? Sabi mo magkasing bait tayo kasi pareho tayong year of the dog, sori! hindi siguro, mas mabait ako at matigas ulo mo, hehehe. Di bale bawi ka nalang pag nandyan na ako.

Noong college ako buo pa rin ang iyong suporta, salamat te. Yung hindi kayang ibili ni mama at dad ikaw ang nagbibigay. Lalabahan ko lang naman ang damit mo, o kaya lilinisin ko kotse mo, o yung condo dati meron na akong pang tuition next sem. Pati nga drafting board at gamit ko sa pagguhit ikaw na din ang bumili, gamit ang credit card mo na para bang walang limit kapag ginamit natin, yan tuloy laging tumatawag ang Citibank sa bahay para maningil. Pero ok lang magaling ka naman magtago nun. Hinatid mo pa ako ng school para sa thesis ko at sumama sa deliberation room kahit bawal, para siguro kapag mahirap ang tanong ikaw ang sasagot (joke lang). Nakita mo akong nahihirap sa pagpaliwanag ng thesis ko, napailing ka pagkatapos at nasabi mo na lang na “buti cute ka kaya ka nakapasa” hehehe kapatid nga kita. Hindi nyo kasi alam na accounting talaga gusto ko tulad nyo ni ate lyn, si mama kasi ayaw nya akong maging madaya tulad nyo. Ok lang parehas naman letter A ang accounting at architecture, alam ko naman masaya din kayo ng grumaduate ako at nakapasa sa board. Salamat pala sa handa.

Ikaw din naghahatid sa amin mag-asawa pagpaalis papuntang ibang bansa. “Ingat kayo” yan na lang iyong nasasabi, sabay bulong na “malapit na b-day ng anak ko” “inaanak mo yan”. Magaling ka din palang magparinig, kala ko hindi ka nagmana sa akin.

Eh pano yan sabi mo malapit na b-day ng anak mo, di mo sinabi na malapit n bday mo, kaya anak mo na lang may gift ha? At dahil b-day mo, ikaw na yung pinakamabait sa amin. Kamukha mo na din si sharon at kaboses pa.

Happy Birthday Te, alam ko naman na nagampanan mo ang iyong pagiging panganay sa ating walong magkakapatid. Mahal ka namin kahit matigas ulo mo, dito lang kami palagi sa likod mo.
Salamat!

Nagmamahal,
Bunso

Ate I
Ni Eoz

Panganay ka sa aming walo
Ginampanan nga ito ng husto
Dahil sa pagmamahal mo
Ito ay tatanim sa aming puso

4 comments:

  1. Happy birthday sa Ate mo :-)

    ReplyDelete
  2. panget ka...pinaiyak mo ako...salamat sa pag appreciate mo sa akin..hindi ko yata naisip yon na madami pala ako kalokohan sa buhay hhehehe..until now maka sharon pa din ako, pati si andrene ko ha, maka KC pa...pero ngayon mukha spoiled na ate ako..salamat din sa inyong lahat, sa pagmamahal, sa pang unawa at suporta sa akin at sa mga anak ko...and i thank GOD that HE blessed me a family like ours...ate irene

    ReplyDelete
  3. hay! reading your post made me miss my siblings kasi ate din ako. hahahaha.
    God bless your family and happy b-day din sa te mo :)

    ReplyDelete
  4. yown oh. kasweet naman palang kapatid ni eoz.

    ReplyDelete