Dami ko ng na-miss sa Pilipinas, lalo na basketball lalo na kakatapos lang ng liga sa amin. Isa kaya kami sa pamilya na magagaling maglaro ng basketball, lima kaming lalaki na nag MVP na, kaso ako Most Vangko Player. Mahirap man aminin eh sa aming magkakapatid ako lang ang laging nasa bangko. Di bale di ko naman career yun (bitter). Pero ngayon hirap na namin mabuong lima, apat kaming OFW isa sa Dubai, dalawa sa Qatar at ako dito sa Malaysia pero 2 taon din ako sa Dubai, nung recession last year tinapon kaming mag-asawa sa India tapos ngayon dito naman sa KL. Sana lagi kami itapon para libre ang trip namin, hehehe, kaso kakapagod lang, dala namin lagi ang malaking luggage namin na ang laman eh lahat ng gamit-parang naglipat bahay! Balik tayo sa basketball, hirap maghanap ng basketball court dito, hindi tulad sa atin na kada kanto meron. Kailangan mo pang sadyain yung lugar, badtrip kaya yung taba ko eh di maalis alis. Mas malaki pa nga tiyan ko kaysa sa asawa kong buntis.
Iba na talaga ngayon, may mga bagay na di mo na nagagawa dahil sa pangangailangan, oras, responsibilidad at kalagayan natin. Ganun daw talaga tumatanda, oooppss kalabaw lang pala tumatanda!
Last vacation ko, may napansin lang din ako sa place namin, dati paghapon madaming bata sa labas, ngayon parang iilan na lang. Pano puro computer na din ang laro nila, minsan napasyal ako sa court, kung noon di ka makapaglaro sa dami ng nag aabang, ngayon naman parang ang hirap maghanap ng player. Iba na talaga ngayon.
Iba Na Ngayon
ni EozAng laro ko noon ay ganito
Taguan, habulan, tumbang preso,
Basketbol, holen, o patintero
Habang ang iba ay nagpipiko
Ngayon kabataan ay nasan na?
Bakit di ko sila nakikita?
Yun pala nasa kapitbahay na
Playstation na ang laro nila!
Ang iba naman ay komputeran
Doon naman kanilang puntahan
Para maglaro at magsigawan
Wala naman silang natutunan
Larong Counter Strike o Dota
Friendster, facebook naman sa iba
Kung gusto mo mag-twitter ka pa
Yan na ang bagong teknolohiya
Iba na talaga ngayon!
Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula
Ibang iba na talaga ngayon eoz! Tama! Nice post! Keep in touch.
ReplyDeleteAyos yan! Malaki talaga pagkakaiba ngayon.
ReplyDeletehay bro, iba na nga tlaga ang panahon ngaun, high tech na kase...pero pra skin, mas maswerte tau noon kase naranasan natin ung mga larong ganito...
ReplyDeleteiba na talaga ngayon. so techy na ang kids
ReplyDeletedadaan lang sana pero napabasa na rin.
ReplyDeletepara kang si badoodles nahirapan sa pag hahanap ng court.
a quick visit here....salamat po sa dalaw....:)
ReplyDeletebtw, would you like to join my giveaway contest?
Tama ka dyan Kapatid, iba na talaga ang buhay ngayon. Kung noong araw eh taguan, piko at patintero ang laro namin (many moons ago) ngayon susko, kahit mga anak ko ayaw ng lumabas at magpaaraw, video game na or farmville ang laro, hehehe!
ReplyDeleteSamat sa dalaw ha.
Natawa naman ako sa post mo na mas malaki pa tyan mo kaysa asawa mong buntis..
ReplyDeleteSalamat sa dalaw ng blog ko.. have a nice day!
ako nung bata ako nalaro ko lahat. :D
ReplyDeletengayon, basketbol dota blogging at fb. Teka pati pala apoy alam ko ng laruin.hahaha.
marunong akong maglaro ng basketball! hhehe..im proud kahit na babae ako. proud MVP din like u kuya. :) Im lucky knowing how to play that game. nadaan lang ako. visit ka rin sa aking cute blog. www.simplypetitay.blogspot.com salamats..
ReplyDeletesarap tumambay dito... tawa ako ng tawa.
ReplyDeleteanyway, tama ka iba na panahon ngaun. Pero honestly mas masaya ung laro dati. Iba kasi may bonding ka with kapitbahay. Ngaun parang di na magkakilala mga bata sa block namin.
@ yannie - tama nga po kayo, di ko na rin kilala yung mga bata ngayon. Di tulad dati kahit sa dulo kilala ka.... thanks po sa comment..
ReplyDeletethank you sa pagbisita at ganda naman ng blog mo .may 2 kapatid ka rin pala dito sa Qatar .I wonder kung kilala ko sila.
ReplyDeletebalik ako dito para bisitahin ulit mga post mo for sure
@tatess- salamat po sa muling pagbisita, opo 2 kapatid ko nanjan, 1 sa hotel ng work yung 1 namn engineer jan...
ReplyDeleteLagi din ako sa 2 blog mo...
nakakatuwa ka naman. kahit nandito ako sa Pilipinas parang gusto ko tuloy din balikan ang noon.... pero tama ka. iba na talaga ngayon.
ReplyDelete