Colour Pencil
by Eoz
Noon ikaw aking ginagamit
Sa pagpasok ika’y laging bitbit
Nagbibigay kulay sa’king guhit
Upang markang nais ay makamit
Ngayong teknolohiya’y dumagsa
Sadyang ikaw ay nabaliwala
Photoshop na wari kong nakita
Sa kanya ako din ay humanga
Ngunit sadyang aking naaalala
Sa mga masayang pagsasama
Sa lahat ng aking nakilala
Ang kaeskwela at aking sinta
Kaya ngayon aking abang sinta
Nasa akin nagpapaligaya
Sa guhit na likha at gawa
Kanyang kinulayan at pinasigla
Dasal ko sa panahong darating
Sa Maykapal ay ating i-daing
Makulay na buhay ay ihiling
Tulad ng krayolang magaling
Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula
astig bro ah! ang galing!
ReplyDeletenoon din ay nakahiligan ko ang magsulat ng tula. Pero noon yon (when I was in elementary and hihschool). I love reading you post. Isa mo akonng tagahanga.
God bless you bro. Keep it up!
Carmel
Nice. <33
ReplyDeletenice one. ^^
ReplyDeleteNice! Galing naman gumawa ng tula.. Keep it up!
ReplyDeleteAyos!
ReplyDeletenung unang panahon ako ay bata pa
masalubong ako'y di' mo alintana
nung ako'y lumaki at naging Binata
tila sa Wari ko'y may binabalak ka
aw!
kanta yan na natutunan ko nung ako'y elementarya pa
ahihihi
Salamat sa iyong pagbisita. puso koy natuwa at biglang sumaya dahil may kaibigang naka-alala.
ReplyDelete