Colour Pencil

Dahil ngayon ay pasukan nanamn ng mga studyante, naisip ko lang ang mga bagay na lagi kong dala noong ako ay nag-aaral p lang. Colour Pencil ang isa sa mga ito.











Colour Pencil
by Eoz

Noon ikaw aking ginagamit
Sa pagpasok ika’y laging bitbit
Nagbibigay kulay sa’king guhit
Upang markang nais ay makamit

Ngayong teknolohiya’y dumagsa
Sadyang ikaw ay nabaliwala
Photoshop na wari kong nakita
Sa kanya ako din ay humanga

Ngunit sadyang aking naaalala
Sa mga masayang pagsasama
Sa lahat ng aking nakilala
Ang kaeskwela at aking sinta

Kaya ngayon aking abang sinta
Nasa akin nagpapaligaya
Sa guhit na likha at gawa
Kanyang kinulayan at pinasigla

Dasal ko sa panahong darating
Sa Maykapal ay ating i-daing
Makulay na buhay ay ihiling
Tulad ng krayolang magaling




Mga Tula:
Kahalagahan ng Paggawa
Bata sa Basura
Buhay OFW
Photograpiya
Iba na Ngayon
Ikatlong Buwan
Aking Ama
Colour Pensil
Isang Taon at Anim na Buwan
Ang Hamon
Daang Matuwid
Para sa Kaibigan
Ako ang Simula

6 comments:

  1. astig bro ah! ang galing!
    noon din ay nakahiligan ko ang magsulat ng tula. Pero noon yon (when I was in elementary and hihschool). I love reading you post. Isa mo akonng tagahanga.
    God bless you bro. Keep it up!

    Carmel

    ReplyDelete
  2. Nice! Galing naman gumawa ng tula.. Keep it up!

    ReplyDelete
  3. Ayos!

    nung unang panahon ako ay bata pa
    masalubong ako'y di' mo alintana
    nung ako'y lumaki at naging Binata
    tila sa Wari ko'y may binabalak ka

    aw!

    kanta yan na natutunan ko nung ako'y elementarya pa

    ahihihi

    ReplyDelete
  4. Salamat sa iyong pagbisita. puso koy natuwa at biglang sumaya dahil may kaibigang naka-alala.

    ReplyDelete